"sa'n ka ba pupunta?"
Minsang natanong ko ito sa aking sarili. Napatigil ako sa paglalakad, natulala nang tatlong segundo at napalingon sa dinaanan. Naisip ko, ang layo na pala ng nalakad ko. At nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang hindi namamalayang hindi ko nasagot ang aking tanong. Nagpatuloy sa paglalakad habang ang isip ay nasa ibang baybayin ng planeta. Naisip ko, ano kayang magandang gawin habang hindi pa ako nakakarating sa pinaroroonan. At bigla akong napatigil muli. Naalala ko lang ang nauna kong tanong sa sarili. Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko na nakuhang mailayo ang aking isip sa katanungan. Napaupo na lang ako at napaisip. Saan nga ba ako papunta?
napaupo ako na parang pumupupu sa daan. mga kamay na nakasalumbaba, nag-iisip saan tutungo. at napansin kung gaano ako lalong lumiit kumpara sa mga taong nagdadaanan sa tabi ko. at bigla na lang... ah! alam ko na! punta na lang ako sa school.
ayun lang. edi nagtungo na nga ako ng school. --- o 'wag mo na isipan ng malalim na eksplanasyon 'yung entry. kasi wala naman talaga. kababawan. ui pero hindi 'yan nangyari talaga ah! hindi talaga! promise!!! hindiiiiii. promise. maniwala ka! (hindi naman tunog defensive diba?)
Pastil
3 days ago
2 ruffleschmuffled:
ahh hindi naman hindi naman..haha oks lang yun..nangyayari naman talaga un e..sakin nga lang :B
haha nangyayari talaga yun sa'yo?? wahahaha.
Post a Comment