Today's Post

05 October 2006

ayan na! ayan na!

biliiiiis!!! late na 'ko! late na 'ko! late na 'koooooooooo! naku, naku! Oh Lord, ayan naaaa! malapit naaaaaaaaa mahuhulooooog na 'koooooooooooo --- at ayun. nadapa na nga ako. best moment of my life, eh!

CWTS kahapon. 2 oras lang ang tulog ko para sa status report sa CWTS. 9am ang class pero dapat 8am nasa UP na 'ko kasi magpaparingbind pa 'ko ng report (bakit? kasi kelangan). Nagising ako ng 7:30am at naalalang may kelangan pa 'ko iedit sa report. ayun 9am ako umalis ng bahay. traffic sa commonwealth dahil may bumaliktad na trak sa may tandang sora. tingnan mo nga naman ang pagkakataon. sa lahat ng araw na pwedeng matraffic, ngayon pa. kaya dumaan ang taxi ko sa may marikina at dinayo rin ang traffic dun. pero mas okay na dun kesa sa commonwealth na literal na hindi gumagalaw. 9:45 na at nasa may balara na 'ko. malapit na ang U.P! natatanaw ko na! ang kaso traffic din dun. nakarating na'ko sa shopping center, nagparingbind at kumaripas sa mabilis na paglalakad. papunta sa klase, dumadaan ako sa daan na kakaunti lang ang tao. Perfect venue na sana para madapa kasi walang taong dumadaan nun, maliban kay manang guard at sa tagawalis na nasa harap ng sun dial na malaki sa likod ng Engg. aba! akalain mong nadapa ako sa harap nila mismo. moment na moment eh! b u m a g a l --- a n g --- g a l a w -- n g -- o r a s -- k o -- n a -- p a r a -- b a n g -- n a s a -- s l o w -- m o t i o n -- a n g -- l a h a t. nahulog na 'ko at nasabing: "n a k u p o -- m a n a a a n g -- s o o o o r r y ! " aba eh nagsorry pa 'ko. kasi nahulugan ko yung mga halaman at bato sa sidewalk. nagmadali akong tumayo dahil 'yung status report namin baka nasira. habang patayo, tinanong ako ni manang guard: "o, bakit ka nadapa?" hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko rin alam kung ano talaga ang inaasahan niyang isagot ko sa tanong niya:
marahil:
a. hindi naman po ako nadapa. guni-guni niyo lang 'yon.
b. nadapa? sino? sinong nadapa? tulungan natin!
c. pa-cute lang po manang.
d. practice ko lang po 'yon sa play. o diba, performance level!!

pero wala sa mga 'yun ang sinagot ko. sabi ko na lang, "nagmamadali po ako kasi late na 'ko. sige po!" at tumakbo uli habang tumatawa.

sa kasalukuyan, pag naaalala ko ang detalye ng pangyayari, isa lang ang nasasabi ko sa aking sarili: "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"

tawanan mo na lang! :P

5 ruffleschmuffled:

panghent said...

hahaha..n-a-p-a-s-l-o-w-m-o-d-i-n-a-n-g-b-a-s-a ko dun ah! sana namay ok na ang tuklap sa knuckles mo..hihihi, at least tapos na nga ang karir mode ng cwts natin!! :D

Karen said...

wahahaha oo nga! dibale masaya naman.. kung hindi naman dahil sa cwts na yan baka naggraduate ako ng up ng hnd nakakadaan sa engg. haha

Anonymous said...

nagbigay ka pa ng choices wala naman pala dun ung sagot haha onga! napaslow mo din ako sa pagbasa wahahaha mala-dory haha ingat ingat kasi kasi oki??

Anonymous said...

haha naalala ko tuloy ung moment ko sa MC non! sa grade 7 bldg stairs p ko nadapa. tamang tama kakaring pa ng bell. dismissal time! YES! nagpulot p ko ng fork chaka ng binders chaka ng jug ko habang nanonoood ugn mga gr 7! biruin mo ung fork ko nsa first floor! ako nsa 3rd! I was in gr. 5... wla n cguro nakakaaalala non... except ung 2 kong ksama sa club nun... i know how u feel. buti wla na ko sa pilipinas... hehe!

Anonymous said...

naku naalala ko ata un..andun ata ako haha JOKE! buti hindi ka naman napaano. =B