Today's Post

30 September 2006

"Sira pa ba 'yung MRT?"

minsan ayos lang naman magmarunong... pero dapat kaya mo rin panindigan kung mapahiya ka man dun.

eto ang nangyari sa'min ng kaibigan ko.

hazel: nako, pa'no 'yan pupunta akong u.p. bukas makakapasok ba ng u.p.?
ako: ah, oo naman. tinanggal naman nila yung mga nakaharang na puno.
hazel: ah okay buti naman.
ako: teka, hindi ba sira yung mrt?
hazel: ah talaga? nako, hassle!
ako: hmm e di bus ka na lang?
hazel: hindi ko alam pa'no.
ako: hmm jeep?
hazel: pa'no at saan?
ako: hmm nako. hindi ko sigurado pero meron kasi jeep sa'min na diretsong UST na.
hazel: taga-san ka ba?
ako: commonwealth. okay not helping. *tenen! strike one!* hehe. eh kung LRT kaya?
hazel: aling LRT?
ako: pareho. baba ka lang ng katipunan ng LRT2 tapos jeep papuntang u.p.
hazel: onga, yun yung way ko.
*tenenen! strike two!*
ako: aaaaah. haha okay. edi MRT. (take note, kakasabi ko lang na baka sira yung MRT. haha)
hazel: hindi ako sanay sa MRT
ako: madali lang yung MRT. punta ka lang ng taft station. kaya lang hindi ko alam pa'no papunta ng taft station
hazel: ah taga-taft ako.
*tenenenen! strike three!*
hindi na'ko makaisip ng iba pang paraan. kaya nagtext na 'ko at tinanong kung sira ba 'yung mga tren.
text ng isa pang friend: hindi sira yung LRT at MRT
*tenenenenen! jackpot!*

ayun naman pala eh. pinroblema pa pa'no pupunta ng u.p. hindi naman pala sira. :P

4 ruffleschmuffled:

Anonymous said...

moral lesson:

magtanong muna sa isang friend =B

Karen said...

wahahah hindi. moral lesson dun 'wag na mag marunong

Anonymous said...

hindi hindi..wag nga magmarunong eh =j

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.