noong nakaraang biyernes, nasa u.p. ako at patungo ng sm north. minalas-malas pa 'ko sa paghihintay ng dyip dahil inabot ako ng mga isang oras sa kakahintay ng masasakyang dyip. maulan-ulan pa naman. pero 'di bale, nakasakay rin naman ako at naging kampante na dahil ilang sandali na lang makakarating rin ako ng sm. pero hindi naging ganun kasimple ang mga pangyayari... dahil bago pa man ako makarating ng sm north, eh muntik pa akong manakawan ng isang pangit na lalaki. gusto mo malaman ang kwento? ilalahad ko dito.
may lalaking sumakay na pinagpilitan pa niya yung pwet niyang malaki sa tabi ko. maya-maya, habang nasa loob pa ng u.p. ang dyip, napatingin ako sa bag ko at nakita ko ang kamay niya na papasok sa bag ko. ang mali ko naman kasi nakabukas yung bag ko. at sa sandaling napansin niyang nakita ko kamay niya, tinanggal niya. agad kong sinara ang bag ko. tinitigan siya ng matagal sa mata. napatingin sa'kin pero hindi ko tinanggal 'yung tingin ko. sa loob-loob ko gusto ko ng batukan. kaya lang nag-atubili ako dahil baka may panaksak. natatawa na lang ako na nahuli ko siya. binuksan ko uli ang bag ko at tiningnan kung may nakuha siya. sa kabutihang-palad, wala naman siyang nakuha. at ang kapal pa talaga ng mukha niya dahil ngumingisi pa siya sa'kin, eh halata namang kinabahan siya dahil nahuli ko siya. matapos ko siyang mahalata nagbayad na siya kaagad at sinabing bababa na lang siya sa philcoa. pagbaba sa philcoa, aba eh kasama pala niya yung isang lalaki nakaupo sa kabilang dulo. mandurukot na, mandurugas pa, dahil pang isang tao lang ang binayaran niya.
sa susunod talaga, masigurado ko lang na wala siyang panaksak isisigaw ko sa dyip: "hoy mamang pangit! 'yung kamay mo bakit nasa bag ko?!"
paalala sa mga nagkokomyut din katulad ko, pag sumasakay ng dyip:
- siguraduhing nakasara ang bag
- yakapin ang bag kung pwede.
- siguraduhing nakikita mo 'yung mga kamay ng mga katabi mo. kalimitan may dala-dala silang bag na walang laman at dun nila tinatago 'yung mga kamay nila. 'yung dati kong nawitness na pagdukot, 'yung mamang pangit may jacket at may mala-suitcase na bag. hindi talaga kita 'yung buong braso niya. 'yun pala sinaslash na niya 'yung bag ng katabi niya.
- at siyempre, magdasal. dahil naniniwala akong nakaligtas noong biyernes ng dahil sa Kanya.
At dusk
3 days ago
8 ruffleschmuffled:
tama..ask for guidance talaga lagi..ask Him to keep you safe..naku naku talaga yung mamang un!! sana lang alam niyang mali ginagawa niya..haay..
whoah scary. buti na lang nakita mo! dapat inusog mo yung butt mo para hindi magkasya lalo yung butt nya. tapos dapat tinext mo yung driver na humarurot at biglang huminto para mahulog sya.
wahaha clauds! actually noh. magandaing ideya yun eh. itext yung driver? haha hayaan mo next time, ichuchums ko muna 'yung driver. =B
lileth: alam niya 'yung ginagawa niya. at pinili niyang gawin 'yun. tsk.
eh!!! nakakainit ng dugo.. haaay..
May 26, 2005 hahaha! Ang dami nang dumaan sa utak ko mula no'ng araw na yun. Tipong, "sana sinapak mo na lang yung tao para hindi niya nakuha, hindi ka na lang nakipag-agawan." o 'di kaya'y, "kung ako kaya yung nasa pinto?" nyurrr... past is past. (pero sorry.)
magnet ka pa rin ata sa mga snatcher, bwisit. samantalang ako, hindi nila iniisip na may P20 man lang na makukuha. Ba't kaya? hmmm... haha!
Hoy. mag-ingat ka. kung masnatchan ka pa uli, ako na bahala sa taxi mo. (seryoso lang, ha, dino?) --- then again, baka do'n ka naman kidnapin. anak ng kamote... basta ingat ka. konti na lang mga tulad mo sa mundo.
dino: hindi natin hawak ang utak ng ibang tao. ang pwede lang natin gawin sa mga panahon na ganun ay mag-ingat at magdasal, at kung kaya, sapakin 'yung tao. haha!
ang tindi ng mandurukot. pero mas matindi ka at nakuha mo pang makipag staring contest sa lalaki, kahit katabi mo lang.
mag-ingat ka lagi. buti di ka nasaktan.
aj: hanep tlga? medyo mahirap makahanap ng consolation kung ako 'yung nasa lugar mo.
Post a Comment