kyle: ate, nakakita ka na ng taong may isang ulo at dalawang paa?
ako: oo naman. marami na. ikaw diba may isang ulo at dalawang paa?
kyle: ay oo pala. mali. e ate, nakakita ka na ng taong may tatlong ulo at isang paa?
ako: hindi pa. bakit ikaw?
kyle: hindi pa rin.
*hehe nakakatuwa nga naman kung magyabang ang mga bata. magyayabang sila ng mga bagay na hindi pa nila nakikita. :P
kyle: ate, nakakita ka na ng OFW?
ako: OFW? marami na. diba yun yung mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa?
kyle: ay oo nga pala. mali. nakakita ka na ng UFO?
*hehehe UFO naman pala. malapit na. parehong may "F" sa gitna.
kyle: ate, pag ako yumaman papagawa ako ng bahay na may limampu't siyam na palapag!
ako: *nakikinig* (ayaw niya ng 50, o 60. gusto niya 59 floors.)
kyle: tapos ate bibili ako ng 500 na kotse!
ako: talaga? ang dami naman nun!
kyle: tapos ate 10 computer!!
ako: wow kyle! ang yaman mo na nun! pa'no mo mabibili yung mga yun?
kyle: magwiwish ako sa shooting star. diba ate may power naman sila? diba magical yung mga shooting star? yun yung mabilis na star diba?
*hehehe oo nga naman, may shooting star.
nakakatuwang mapakinggang yung mga simpleng pangarap ng mga bata, at kung paano nila naiisip na makamtan ang mga ito. tinanong ko si kyle, para saan yung computer. sabi niya para daw makausap niya yung pamilya niya pag nasa malayo siya. nakakatuwa na naiisip ng isang batang katulad niya ang mapalapit pa rin sa kanyang pamilya gaano man siya mapalayo. tapos hinabol niya, lalagyan niya ng maraming computer games yung computer. hehehe.
At dusk
3 days ago
2 ruffleschmuffled:
sayang hindi ko nakilala at nakausap ng masinsinan si kyle..pero oks lang..nakilala ko naman siya kahit papano sa mga kwento mo..nakakatuwa na naaappreciate mo simple things. :)
pag nakilala mo siya matutuwa ka sa pagiging inosente at pagiging matured niya mag-isip at the same time :)
Post a Comment