Kulturang sabungan. Bahagi na nga talaga sa kultura natin ang sabungan, kung saan pinaglalaban ang dalawang manok, pinagpupustahan at nagiging dahilan pa ng ilang hidwaan. Ilang manok na ang pilit na pinaglalaban, binubuhay nang paulit-ulit hangga't kaya pang ipaglaban ang mga ito. May ilang umabot na ng ilang dekada at hanggang ngayon ay pilit pa ring pinaglalaban.
Ikinatutuwa natin ang mga labanang ito. Ikinatutuwa natin kapag nananalo ang manok natin, at umuuwing luhaan ang mga nasa kabila. Ang simpleng labanan na nagmumula sa munting katuwaan lang, pinagmumulan na ng matinding away. Matindi ang labanan ng mga manok na ito, matindi pa sa labanan ng oposisyon at gobyerno. Dahil sa mga labanang ito, bibihira kang makakita ng mga balimbing. Dahil sa mga labanang ito, hindi mo madaling mabibili ang paninindigan ng mga lumalaban.
Sa labanang agila vs. indiyan pana, kanino ka kakampi? asul o berde? katipunan o taft? Kahit ang mga taong walang koneksyon sa kahit anong panig, pumapanig na rin at nakikisama sa paghiyaw ng "Win or Lose! it's the school we choose!" o 'di kaya sa sigaw na "animo!"
Kapuso ka ba o kapamilya? Ka-Q o kabarkada?
Mahilig nga talaga tayo sa sabong. kanino ka, Christine Reyes o Carlene? 0_O
----
nagkaroon kami ng kaibigan ko ng isang magandang usapan. pumasok ang usaping kapuso. (haha kapuso kasi ako). at ang tatay niya ay isang tunay na kapuso at nagtatrabaho doon. kung kaya't natanong ko:
ako: so 'yung serbisyong totoo, totoo ba talaga?
marti: oo. pati 'yung wish ko lang, wish ko lang 'yun.
----
Elegant lady in an Osaka café
8 hours ago
0 ruffleschmuffled:
Post a Comment