Today's Post

16 May 2007

atat.

bakit nga ba atat tayong mga Pilipino sa mga "unang araw"?

Ngayong araw nagbukas ang Triangle North Mall (Trinoma), ang panibagong mall na magdadagdag kasikipan sa trapiko ng EDSA at North Avenue. Karibal nga ba ito ng SM North at The Block ni Henry Sy? Sa katotohanan, hindi. Dahil bukod sa maghihiraman lang naman sila ng mga parokyano, kasama naman kasi sa may-ari ng mall na ito si Henry Sy. Ganun na nga.

Pero bakit nga ba tayo atat sa unang araw? Hindi naman kasi tatakbo ang Trinoma pero bakit kelangan dumugin ito sa unang araw? Hindi pa bukas ang ibang tindahan at nagmistulang dry run lang ng mga tindahang bukas na. Sa madaling salita, hindi mo makukuha ang magandang serbisyo na makukuha mo kung sanay na sila sa ginagawa nila.

So pa'no ko nalaman? andun kasi ako kanina, unang araw ng pagbubukas. haha. atat din pala.

0 ruffleschmuffled: