each of us is a thread or a patch of cloth sewn as part of the tapestry of God's plan. each choice we make creates a stitch or a patch which we can never undo, but on the way, we are given more choices, to make ammends to whatever wrong decision we made in the past. and if in the next choice we choose what is willed by God, then whatever mistake we did in the past, shouldn't matter anymore. after all, what's past is past. And here, we see again the greatness of God, with how He makes these mistakes a part of a beautiful tapestry.
—–
umihip na naman ang hangin
tungo sa direksyong hindi ko masundan
at habang ang ibon ay humuhuni
ang kaligiran ay nanahimik.
at sa pagtigil sa paglalakad
ipinikit ang mga mata
hinayaang maiwanan ng hangin
upang marinig kung sa'n nanggagaling ang huni ng ibon.
bakit gayon na lamang
ang pagkailap ng ibong nanagpis?
narito ako ngunit walang saysay
dahil hindi niya pansin ang aking paghahanap
napalingon sa pinanggalingan
nagtaka, 'bakit nga ba ako naparito?'
panandaliang nakalimutan ang mga nangyari
ilang segundo lang ang nakalipas
natatawa habang ako'y pabalik
sa direksyong pinanggalingan.
dahil sa ang ibong sinundan at hinanap
ay walang kamalayan sa aking katauhan
umihip na naman ang hangin
tungo sa direksyong nilisan ko
tila binubulong sa akin
ang limot na kasiyahan.
——
i believe poems have a life of their own. like a dream, sometimes it comes to your consciousness before you could create a meaning for it.