Today's Post

24 August 2006

ngumiti ka na lang...

ganto o, :)

...kahit malapit na tumulo luha mo, ngiti ka na lang. Hindi mo alam baka may nakatagong kamera sa sulok at kukuhanan ka ng litrato. mabuti na 'yung handa. khikhikhi. :P dramatic look ka pa na para kang naiyak dahil sa pagkapanalo mo sa Ms. Universe, o 'di kaya Mr. Sexy kung lalaki ka man. (parang ang pangit ng titulong Mr.Sexy, tapos umiyak sa pagkapanalo. hmm.)

ngiti ka lang, pero siguraduhing walang tinga. baka sa kakangiti mo, tawanan ka na lang ng mga tao. pero okay lang 'yun, basta masaya ka, ngiti lang. hindi mo naman alam na may tinga ka, eh. at kunwari hindi mo alam na ikaw tinatawanan.

ngiti lang nang ngiti hanggang sa magmukha ka ng dadalhin sa mental hospital. malay mo mas masaya nga talaga dun kaysa sa mundong ginagalawan mo. makakasama mo ang pinakatotoong taong makakasalamuha mo --- sa sobrang totoo, hindi na sila pinaniniwalaan ng lipunan.

ngiti ka lang. subukan mo 'yung labas ang ngipin, sa taas muna, tapos mamaya 'yung sa baba lang. subukan mo rin 'yung walang ngipin. tapos nun walang ngipin uli, pero nakabukas 'yung bibig --- 'yung parang lola? tapos ngiti ka ng nakalabas 'yung dila. subukan mo 'yung iba-ibang direksyon ng dila. ay hindi 'wag na lang pala. masagwa na 'yun. ngiti ka na lang na may isang ngipin lang na nakalabas. kung mahirap pa 'yun, subukan mo dalawang ngipin lang.

ngiti ka lang. sige na... please? haha desperado ba? ngiti ka na. para kahit man lang isang tao, may mauto ako sa walang kwentang entry na 'to. picturan mo sarili mo, tapos padala mo sa'kin. ipopost natin dito. sige na! sisikat ka niyan! baka kunin ka pa sa komersyal ng Happy toothpaste. o kaya sa Unique toothpaste. ikaw 'yung sa "before" ng before-after scenario. o 'wag ka na magalit, joke lang 'yun. bagay ka nga sa colgate komersyal eh. ikaw 'yung toothbrush. bwahaha. uuuyyy napipikon na. pinapangiti lang naman kasi kita eh.

pero hindi nga... ngiti ka lang, habang may rason pa para ngumiti.

yihee nakangiti na 'yan. :)

abangan ang next entry: "tawa ka na lang..." tss. oo na, hindi na lang. 'to naman, humihirit lang, eh.

"ngumiti na kahit na napipilitan..." - Join the Club (nobela)

7 ruffleschmuffled:

Anonymous said...

wuhoooo!!! lakas ng tama ni karen!! wahahaha

Anonymous said...

muntikan na akong nauto sa entry mo ah. sinubukan ko yung mga ngiti na sinasabi mo, pero napahinto na lang ako dun sa part na nakalabas ang dila. ano ba yan.

kaya mong ngumiti ng isang ngipin lang ang nakalabas?

Karen said...

yup kaya ko... pero nakatakip yung finger ko. wahaha

eannuh said...

"para kahit man lang isang tao, may mauto ako sa walang kwentang entry na 'to."

yep *raises hand*

btw, alam ko gawin ung "lola" smile hehe ;)

Karen said...

wahahaha iana!!! :P heheh magpicture ka ng lola smile mo! :P i'd love to see that. :P

Anonymous said...

hehe kulit!! talagang may nobela pa haha may evidence =j haha

Anonymous said...

yihee, nakangiti na ako.:D haha!